mga saluobin

naasar ako sa sarili ko…

sana maging mas ma-pasensya akong tao.
sana din mas maging maunawain pa ko.

sana mapunan ko mga pagkukulang ko.

panibagong yugto sa aking buhay

noong nakaraang martes sinimulan ko ang isang panibagong yugto sa aking buhay.

nagsinungaling ako. gumawa ako ng istorya. sabi ko titingin ako ng kompyuter parts sa makati kasama tatay ko. sabi ko mga alas-dos kami pupunta doon. naniwala siya. buti na lang…

2:00 na nasa landmark pa lang ako. ang usapan namin ng nanay ni bea 2:00 kami magkikita sa Burger King Greenbelt. Sabi ko sa nanay ni bea kailangan ko siya makausap tungkol kay bea. Noong una kabado pa si tita, akala niya may problema si bea, o kaya galit si bea sa kanya. Sabi ko ‘wag siya mag-alala ‘di naman masamang balita sasabihin ko. 2:15 dumating ako sa burger king. buti na lang may inaasikaso pa si tita na trabaho. Natapos na sa inaasikaso niya, ako na ang kakausapin niya. Kinakabahan ako.

“Ano ba ang paguusapan natin?”
“Tita… Pwede ba ko ba ligawan si bea?”
“…”

At doon nagsimula ang 2 oras ng masinsinang usapan sa 3 chicken tenders at 2 basong tubig…

…Masayang masaya ko. Pumasok ako sa eskwela ng sobrang saya. Pumayag siya. Sabi ko sa kanya ‘wag niya muna paalam kay bea na mangliligaw ako. Gusto ko ako magsabi. Susurpresahin ko si bea.

Kinabukasan kailangan ko na paghandaan ang surpresa. Pumasok ako ng maaga upang puntahan ang flower shop. Kinausap ko ang taong andun. Nagpaarrange ako ng bulaklak. Sabi ko babalikan ko ng gabi ng araw din na iyon.

Pagkatapos ng aking klase deretso ako sa flower shop. Ang lakas ng ulan. Pagpasok ko sa flower shop inabot sa akin ng ale ang isang magandang bouquet. Sulit naman pala ang binayad ko kahit may kamahalan. Sinugod ko ang bulaklak sa bagyo at sa siksikan na bus, umaasa na aabot pa iyon bukas. Pagdating ko nilagay ko agad sa ref ang mga bulaklak.

Maaga ako nagising kinabukasan. Hinanda ko ang aking sarili. Kinuha ang bulaklak sa ref. Nagabang ng taxi.

Napaaga ako ng dating sa kanila, sabi ko kay tita 7:30 ako pupunta, dumating ako ng 7:00. Buti na lang gising na siya. Naabutan ko si bea na natutulog sa kutson sa sala nila. Naghintay muna ako sandali sa dining area nila. Sabi ng nanay niya gisingin ko na daw. Lumapit ako dala ang bulaklak. Ginising ko siya. Nang pagdilat niya at nakita niya ako at ang bulaklak di siya nakapagreact, nagtago lang uli sa ilalaim ng kumot.

Makalipas ng ilang sandali bumangon na din siya. Pinagluto pa niya ko ng pancake. Ang saaaaraaaapp. Nabasa niya ang note na kasama ng bulaklak. Nakasulat dun kung pwede ko ba siya ligawan uli. Pumayag siya. Ok lang daw. Lalo akong natuwa. Kumpleto na araw ko. Kala ko magtatapos na dun ang araw. Ngunit hindi pa pala.

Buong araw kami magkasama. Niyaya niya ko sumama sa kanila ng pinsan niya na mamili sa greenhills. Buong araw kami magkasama, binilhan pa nga nila ko ng t-shirt. Medyo nahiya nga ko eh. Pagtapos ng greenhills nagtiendesitas pa kami. Literal na buong araw kami magkasama. Mula umaga hanggang gabi.

Sobrang saya ko ng araw na iyon. Matuturing ko iyon na isa sa mga pinakamasaya at pinakamakulay na araw sa buhay ko.

Ngayon lang ako naging ganito ka-seryoso sa isang babae. Ngayon ko lang ginawa na nakipagusap ng masinsinan sa kanyang magulang para manligaw. Ngayon lang ako bumili ng bulaklak at pumunta sa bahay ng isang para surpresahin siya sa kanyang paggising. Ngayon lang ako naghold on sa isang pag-ibig na kahit pakiramdam ko walang wala na talaga. Ngayon lang nangyari na nilelet go ko na ang aking nararamdaman ngunit mas pinili ko na ‘wag na lang ituloy ang paglelet go at balikan ang babaeng mahal ko talaga.

Kung ako ang papipiliin sana siya na talaga.