1st week high!

grabe ang 1st week dami agad nangyari :p

biro mo, 1st day, 1st meeting, tinulugan ko agad yung isang subject ko. majors ko pa! at yung prof yung pinakamataas na ranggo na prof sa ccs :p

hehe dami agad kailangan gawin para sa org. biruin mo naman higit 10 poster at 3 shirt design. di ko pa nga tapos yung posters eh. hirap magisip ng design eh. nauubusan na ako ng creative juices. saka di pa kami nagsisimula sa thesis!!!! wwaaaahhh dapat next week magsimula na kami :p thesismates eto na to! hehe simula na! :D

yung paglilinis ko ng kwarto may progress na. :D kahit papaano nabawasan na ung kalat sa sahig at sa mga mesa :p

ang saya nitong linggo na ito! sobra! :) hehe natutuwa ako at maraming pagkakataon na nakasama ko siya ngayon linggong ito. kagabi nasa kanila kami kasama sina marco at melai. nagpakabusog, nagvideoke, nagpiktyuran, nagvideoke, nagpiktyuran, nagpatintero, nag-langit lupa, nagpiktyuran kami. ang saya nung gabing yun. tapos ngayong gabi naman galing ako sa bahay ng tita niya sa sucat. birthday nung pinsan niya tapos inimbitahan niya ko. medyo kinabahan ako kasi buong pamilya niya andun :O kahit kabado masaya pa din. :) di ko na nga naabutan lahat eh, naguwian na kasi ung iba medyo naleyt na ko ng dating :p si alex monkey pa din ang tawag sa akin :p hehe at syempre piktyuran pa din.

makikita ang mga litrato ng friday tambay at saturday b-day sa: http://migscabral.multiply.com/photos/album/4