happy :) [ang susunod na kabanata…]
pagkabasa ko sa kanyang blog, nagulantang ako sa aking nalaman… nagkaroon na naman kami ng ‘di magtugmang desisyon… kung naalala niyo dun sa unang bahagi nag desisyon ako na ‘wag na siyang i-let go.. tapos ngayon nalaman ko sa blog nia na siya naman na ang maglelet go sa akin..
nataranta ko… di ko alam ang gagawin…
“Puntahan ko kaya siya mamaya. Di ako papapyag na palampasin ito. Sana hindi pa huli…”
at iyon nga ang plano kong gawin.. puntahan siya at kausapin tungkol doon
maya maya nagkatext kami.. tapos may nabanggit siya na: “Sana wag ka magalit dahil nilelet go na kita… Sorry..”
lagot na! nataranta ko… di alam ang gagawin, sabay dampot sa telepono…
dinial ko ang numero ng kanilang bahay… *ring..* *ring…* *ring…*
“Hello.”
“Hello. Good morning po. Pwede po kay bea..”
“Sino to?”
“Si miguel…”
“Sandali lng… Bea telopono…”
Kinakabahan ako… di ko alam kung pano sasabihin.. napatanong sia kung bakit ako napatawag.. nung una nagbibiro biro pa siya. tapos binanggit ko na lang bigla na may ginawa akong desisyon kagabi. sabi ko nagdesisyon ako na ‘wag na ituloy ang paglet go sa kanya. di ko napigilang umiyak.. tahimik lang siya sa kabilang linya… inexplain ko kung bakit di ko itutuloy ang paglet go sa kanya. sinabi niya din kung bakit niya pinili na i-let go ako. sabi nia pakiramdam daw nia kasi nagiging pabigat siya sa akin. sa loob loob ko kung pabigat siya eh bakit pinili ko na ‘wag siyang i-let go.
inulit ko sa kanya na hinde siya pabigat para sakin. na hindi niya na kailangan gawin iyon. na hindi ko din naman ginusto na i-let go siya noon.
natuwa ako sa sinagot niya.. sabi niya di niya na itutuloy. sobrang saya ko. medyo matagal na din ako ‘di nakadama ng ganung tuwa. pakiramdam ko muli akong binigyan ng isa pang pagkakataon sa buhay. pakiramdam ko na kahit papaano nabalik ang tiwala na dati’y nawala.
natutuwa ako sa nangyari na iyon. simula na naman ito ng bagong kabanata sa buhay ko. di ko alam kung ano ang kalalabasan. sa tingin ko magiging isa ‘tong exciting na kabanata sa aking buhay.
basta masaya ako ngayon.
abangan na lang natin ang mga mangyayari.
