happy :)

kagabi nagdesisyon ako. nagdesisyon ako na hindi ko kailangan ituloy ang pag-let go sa nararamdaman ko para sa kanya. natanto ko na masaya naman ako, hindi ko naman talaga kailangan i-let go siya dahil unang-una hindi ko naman talaga ginusto na i-let go siya. natanto ko din na may mga bagay sa mundo na ito na hindi naman dapat i-let go, ang kailangan mo lang gawin ay patagalin iyon upang iyon ay lubusang maunawan. natantanto ko din na meron pa talaga akong nararamdaman para sa kanya kahit na sabihin natin nagsimula na ko mag-let go noon.

nakatulog ako kagabi na desidido ako na ititigil ko na ang pag-let go sa kanya. naninniwala ako na masaya ako sa desisyon ko na iyon. naniniwala ako sa aking sarili na tama iyon. pinlano ko na puntahan siya ngayong araw para sabihin sa kanya ang desisyon ko na iyon.

pag-gising ko kaninang umaga, binuksan ko ang firefox sa aking laptop (katabi ko matulog laptop ko eh :p). Tinayp ko sa address bar ang URL ng kanyang blog. Enter. may bago siyang entry….

itutuloy…