naisip ko lang…

naisip ko lang… kapag namatay kaya ako ngayon ng biglaan o kaya bigla akong mawala, meron kayang magaalala para sa akin? meron kayang makakaalala sakin? kapag di ako nagparamdam meron kayang makakaalala pa sakin? o tuluyan na lang akong lilimutin?

may nakausap ako kanina:
siya: magkatext kami nung crush ko mula 6pm hanggan 12mn kagabi!
ako: tsktsk
ako: kaya pala di mo na ko tinetxt
siya: eh di ka naman nagtxt kahapon eh

naisip ko lang na parati ba kailangan ako ang unang magparamdam para maalala ng mga tao? kelan kaya darating ang pagkakataon na ako naman ang maalala ng mga tao? pero totoo, napansin ko lang na kapag di ako nagpaparamdam wala naman nakakaalala sa akin, kahit sa barkada halos parating nalilimutan ako at malalaman ko na lang na nagkita-kita pala sila nang wala man lang nagbabanggit samin… siguro kapag nawala nga ako, walang makakaalala sakin at tuluyan na lang akong malilimutan.

kotabol kowt :p

may nakita ako sa blog ng kaibigan ko, at nagustuhan ko ung sinulat niya:

“I’ll never forget you, because I never forget people. We never really stop loving people. We just stop needing them.”

hehe agree ako dito :p sobrang swak sa iniisip ko kanina :p hehe

mga pagtatanto: kaibigan

aking natanto na hindi talaga ako mapagpalagayang-loob sa mga malalaking grupo ng mga tao. mas gusto ko na makasama ang maliit na grupo ng mga kaibigan na malapit sa akin, kaysa makasama ang isang malaking grupo ng kaibigan na hindi ko naman gaano kalapit. mas gusto ka na tumambay, makipagkwentuhan, makigpalokohan, makisama kapag maliit na grupo lamang. hindi ako komportable na nakikisalamuha sa mga malalaking grupo. kadalasan kapag kasama ng isang malaking grupo tahimik lang ako, pero kapag kasama ko na ang mga malapit ko na kaibigan mas nabubuhayan ako, mas nagiging madaldal ako, mas nagiging masigla ako, mas nagiging kwela ako. kahit kelan sa aking buhay ay di ko naranasan na magkaroon ng isang bestfriend. naiinggit ako sa mga taong mayroon nito. noong nagkaroon ako ng “bestfriend” pero para sa paglipas ng panahan napagtanto ko na hindi ko naman pala talaga siya bestfriend, naisip ko na noong mga panahon na iyon siya lang ang kaibigan ko kaya ko nasabi na “bestfriend” ko siya. gusto ko makahanap ng bestfriend. gusto ko makaranas na magkaroon ng bestfriend. ano ba ang bestfriend para sa akin? ang bestfriend para sa akin ay isang kaibigan na matuturing mong tunay na kaakibat at kaagapay. isang kaibigan na tanggap ka kung sino ka, at kilala ka mula sa pinkamababaw na ikaw, hanggang sa iyong pinakamalalim at pinakamaiitim na sikreto. isang kaibigan na malapit ako sa pamilya niya at malapit din siya sa pamilya ko. isang kaibigan na matuturing mo nang kapamilya. isang kaibigan na handa kang damayan mula sa mga simpleng bagay, tulad ng pagpapasama kumain, o kaya sasamahan ka lang dahil gusto mo lang ng kasama; hanggang sa mga pinakakomplikado at pinaksersyosong yugto ng buhay mo. yung kaibigan na kahit kelan pwede mong matawagan dahil lang wala kang magawa o gusto mo lang ng kakwentuhan. sa buhay ko marami nang mga tao ang labas-pasok, kakilala mo ngayon, kaibigan mo bukas, sa makalawa hindi na kayo masyado nagkikita at nagpapansinan hanggan sa tuluyan na lamang na maglaho ng parang bula ang taong iyon sa buhay mo. medyo nagsasawa na ko sa ganoon. gusto ko makahanap ng isang kaibigan na makakasama ko ng matagalan, at gusto ko bestfriend ko yoong tao na iyon. kung susuriin parang masyadong ideal ang aking ideya ng isang bestfriend, oo inaamin ko ideal nga masyado, pero ito ang gusto ko dahil kahit kelan hindi ko pa naranasan ang mga ito.

langoy.padyak.takbo

gusto ko na seryosohin itong isport na ito. gusto kong maging adventure racer/triathlete balang araw. kailangan ko na magseryoso sa training. dapat makasali ako sa extri ngayong taon bilang aking unang major race. dapat next year makasali na talaga ko ng adventure races. kelangan ko na karirin ‘to. dapat maisaayos ko na training sched ko. acads talaga sagabal sa sports. hehehe. joke lang. kelangan ko din maintain acads ko. may pinangangalagaan pa akong scholarship. kapag ako natanggal sa scholarship, tapos ako.